Kilala ang Catanduanes bilang 'Land of the Howling Winds'. Kung saan ang kalakasan ng hangin sa lugar na ito ang siyang bumuhay sa ganda ng nasabing lugar. Napapalibutan ito ng karagatan na may magaganda at malaking alon sanhi ng malakas na hangin, ginintuang mga buhangin, kay raming bundok na maaring akyatin, natural na ganda ng naglalakihang bato, talaga namang sulit ang pag punta mo sa lugar na ito.
Carangyan Beach
Ang lokal na ibig sabihin ng pangalan ng resort na ito ay "Paradise" at talaga namang giginhawa ang pakiramdam mo sa ginintuang buhangin sa carangyan beach. Malamig na tubig kung saan sa ilalim nito'y maraming nagagandahang corals. Isang lugar kung saan makakapag pahinga kang talaga dahil sa sarap ng simoy ng hangin na dadampi sa iyo. Idagdag pa ang napakagandang tanawin. Tila ikaw nga ay nasa paraiso.
St. John Parish in Bato, Catanduanes
Pinakamatandang simbahan sa buong Catanduanes at isa sa pinaka matandang simabahan sa buong Pilipinas. Mahigit 180 taong gulang na. Nakamamangha ang katibayan at katatagan ng simbahang ito. Ilang unos at bagyo na ang nag daan sa buong bayan ng Catanduanes subalit nananatili parin itong buo at matatag. Mayroon itong hagdan patungo sa pinto at bubungad sayo ang pinto ng simbahan na kulay itim na may ginintuang krus sa gitna. Classical na panahon ang istilo ng konstruksyon. Kaya naman talagang nakamamangha ang simbahang ito.
Hiyop Highland Point
Napapalibutan ng berdeng-berdeng damo na napakasarap pagmasdan ang kanilang pagsayaw kasabay ng masarap na simoy ng hangin. Dito'y maari kang sumakay sa isang kalabaw upang umikot-ikot sa lugar na ito. Tanaw rito ang kagandahan ng karagatan at maririnig mo ang bawat hampas ng alon na tila isang magandang musika na magbibigay kaginhawaan sayo.

St Ignatius de Loyola Church,
Pandan, Catanduanes
Sinimulang itayo ng mga Frances noong 1650 at natapos taong 1874. Kahanga-hanga ang pagkakatayo nito na talaga namang nangibabaw ang istilo ng Spanish colonial period. Ang malalaking bato na ginamit bilang materyal sa paggawa ng nasabing simbahan ay nagmula pa sa mga karagatan na pinag hirapang sisirin at kunin ng mga magagaling na manininisid. at ang iba pang mga materyales na ginamit sa paggawa nito ay nagmula lamang sa mga produktong mahihinuha sa paligid nito.
Twin Rock Beach Resort
Kaakit -akit ang beach resort na ito sa Catanduanes Igang, Virac 4800 kapansin-pansin ang rock formation na dahilan upang tawagin itong twin rock beach resort. May iba't ibang aktibidad ang maari mong maranasan sa beach na ito tulad na lamang ng Ziplining at rock climbing. Ang tanawin sa resort na ito ay talaga namang naka gagaan sa pakiramdam. mula sa kulay ng dagat, simoy ng hangin at sikat ng araw hanggang sa kulay ng buhangin na mistulang ginto na nagniningning.Sa halagang P50 ay makakapasok ka na sa beach resort na ito at mararanasan ang iba't ibang aktibidad.

Maribina Falls
Maliban sa bato church, sa Bato Catabduanes niyo rin makikita ang mga nag gagandahang talon na ipinagmamalaki ng bayan. Malamig na tubig, preskong hangin at magandang tanawin ay ilan lamang sa mga katangiang taglay ng Maribina Falls, ang pinakasikat na talon sa Bato. Makakalanghap ka ng preskong hangin, at makakakita ng magandang tanawain sa halagang 20 pesos lamang.
Binurong Point
Matatagpuan ang binurong point sa Brgy. Guinsaanan, Baras Catanduanes. Dito perpektong mararamdaman mo at mabibigyang halaga ang pagsikat at paglubog ng araw. idagdag mo pa ang ganda ng tanawin ng karagatan mula dito sa itaas. Ang binurong ay nangangahulugang "Healed" at talaga namang aayos o giginhawa ang pakiramdam ng sinumang taong makakarating dito. Halagang P15 lamang at maari mo nang akyating ang tuktok nito.
Puraran
Sikat ito sa mga tao lalo na sa mga taong mahilig mag surf boarding dahil talaga namang mae-enjoy mo ang laki ng mga alon dito. Dahil sa lakas ng simoy ng hangin na dahilan upang tawagin ang Catanduanes bilang Land of the Howling Wind kaya nag kakaroon ng naglalakihang alon dito. idagdag mo pa ang magagandang tanawin na matatagpuan ang karamihan sa brg. Puraran.
Batalay Mangrove Eco-Park, Batalay, Bato, Catanduanes
Maraming aktibidad ang maari mong gawin dito. Halagang P40 at makakapasok ka na sa eco park na ito. May iba't ibang aktbidad ang maari mong gawin dito tulad na lamang ng pamamangka. kahanga-hanga ang natural na ganda ng tanawin dito at talagang nakabibilib ang mahabang tulay rito na sanhi kung bakit mas nakilala ito.
Diocedsan Shrine of the Holy Cross
Pinaniniwalaang ang simbahang ito ay puno ng himala dahil sa nakakubling historya ng pagkakabuo ng simbahang ito. Isang paring kristyano ang napadpad sa lugar na ito dahil sa isang shipwreck. pinalaganap nito ang Katoliko sa lugar at nang mamatay ito ay nilagyan ng krus ang kaniyang puntod at pinaniniwalaang ang haligi kung nasaan ngayon nakatayo ang krus ay nasa ilalim ang puntod ng unang paring kristiyano na napadpad sa lugar. kaya naman tubig dito ay naging bana at sinasabing mapaghimala.

Luyang Cave
Damhin ang katahimikan ng lugar at lamig ng simoy nang hangin sa puntod ng mga katutubo na tumakas at nag tago dito noong panahon ng mga piratang Moro. at upng matahimik ang kaluluwa ng mga ito, nagpatayo ng isang maliit na groto at altar sa loob nito. At kada ika-28 ng abril ay ginaganap ang “Requiem Mass” upang ipagdasal ang kaluluwa ng mga namatay sa lugar na ito. Sa kabilang banda, nakamamangha ang natural na pagkakabuo ng stalactites at stalagmites.
Nahulugan Falls
Napakalinaw ng tubig na dumadaloy dito. my mga malalaking puno sa paligid at may malalaking bato dahilan upang masala ang tubig. Direktang sinisikatan ng araw ang tubig na lumalaglag kaya naman nag mimistulan itong crystal na nag niningning sa tuwing tatamaan ng sikat ng araw. Malamig ang tubig dito at talaga namang makapawipagod ang mag babad dito.
Tuwad-tuwadan lagoon and rock formation.
Kamangha mangha ang natural na pagkakagawa nito. isang lihim na lagoon na naka kubli sa nag lalakihang bato. Napakaganda ng lagoon na ito sapagkat nag niningning ang napaka linaw na tubig na kulay blue-green at kitang kita ang ganda ng mga corals sa ilalim at ang mga isda na naninirahan dito. Mula sa katawagan sa lugar na ito, na ang ibig sabihin ay "stumble and fall" ay totoo namang mararanasan mo habang tinatahak ang daan tungo rito. ngunit matapos ang matinding lakarin, matataas na akyatin ay mapapawi ang pagod na iyong mararamdam kapag natunghayan na ang ganda ng natatgong lagoon na tinatawag na tuwad-tuwadan.
Balacay point
Perpektong lugar upang mag hiking. Sa halagang P10 ay maari mo nang maikot ang lugar. Mapapawi lahat ng pagod mo sa iyong pag akyat kapag narating mo na ang tuktok ng kabundukan. Magandang tanawin ang bubungad sayo. Simoy ng hangi'y kakaiba ang sarap na ibinibigay sa bawat pagdampi nito. paglubog at pagsikat na araw kay gandang manood mula rito dahil sa taas talaga namang makikita mo ang tunay kagandahan ng kapaligiran.
Sakahon Beach
Hindi madaling makarating sa beach na ito. Daraan ka sa maputik na kalsada, At hindi mo basta ito makikita dahil ito ay nakakubli sa likod ng nag tataasang bundok. Ngunit sulit naman ang hirap na dinanas mo sa iyong paglalakbay dahil nang makarating ka sa paroroonan mapapagod lahat ng pagod na iyong nararamdaman dahil simoy palang ng hangin na darampi sa iyong balat tunog pa lang ng alon na humahampas sa tabing dagat, ginuntuang buhangin at pagaspas ng puno at ganda ng tanawin tiyak na masasabi mong sulit lahat ng pag hihirap na pinag daanan mo makarating lang dito.
Ilan lamang ang mga lugar na ito ang maari mong puntahan sa Catanduanes na nagpapatunay kung gaano kaganda ang lugar na ito, at talaga namang hindi ka magsisi sa ganda at sa sayang maidudulot nito. Kaya ano pang hinihintay niyo? Magpaanod na sa malalaking alon at magpatangay na sa malakas na simoy ng hangin. Libutin na ang 'Land of the Howling Winds'. Punta na sa Catanduanes.